awtor: Lualhati Bautista
A. Tagpuan" isang security guard na kano sa base-militar ang nakapatay ng Pilipino. tumagging isuko ng militar-Amerikano sa korte ng Pilipinas ang bata nilang kriminal. Lahat daw ng imbestigasyon sa loob ng base-Amerikano ay kailangan munang basbasan ng mga taga-America Department of Defense.
ikinulong ng mga kano ang isangminerong pinoy sa salang pagpasok nanag walang pahintulot sa "lupa nila." dapat lang daw, sabi ng Attorney General Herbert Brownell: dahil lupang-kano daw ang bawat piye ng lupang-Pilipinas na nasa disposisyon ng mga kano.
isang batang pinoy ang binaril ng isang kano sa Clark. isang mangingisdang pinoy ang pinatay ng isang kano sa Subic. isang pinoy ang napagkamalang baboydamo at walang awang binaril ng mangangasong kano.
Alam mo ba ang ginagawa ng mga kano? Lilitisin nila nang mabilisan ang bata nila, ipawawalang sala, saka pauuwiin sa Amerika. minsan nga, hindi na nililitis; pauuwiin na lang agad, sa katwirang tapos na ang kontrata nito sa Pilipinas. maghabol man tayo, wala na ni bakas ng sapatos ng hinahabol natin.
sabi ng iba, wala raw tayong magagawa. base iyon. sa kano 'yon.
pero gago, hindi sa kano 'yon. atin 'yon. lupa natin 'yon.
saka di totoong wala tayong magagawa. magaga nating lumaban."
mga nabanggit na lugar:
- Olongapo - kung saan naganap ang malaking bahagi ng nobela. dito nakatirik ang mga clubs na pinapasukan ng mga tauhan
- Freedom Pad - isang club sa Ologgapo kung saan kumakanta si Mike
- White Men's Territory - (obvious ba?) lugar sa Ologgapo kung saan naroon ang maraming amerikanong puti
- Brown Community - bahagi ng Ologgapo kung saan marami ang mga Pilipino (brown nga eh)
- Black Men's Row - tinatawag ring 'the junggle.' Narito marami ang mga amerikanong itim
- base-militar sa Subic at Clark - kung saan nagtratrabaho ang maraming pinoy at kano
- Music Box - isang club na nangangalandakan ang mga palabas nilang a-go-go dancers
- bahay ni Magda at Mike
- panahon pagkatapos sakupin ng Pilipinas ng mga Amerikano kung saan dito sila nanirahan at nagnegosyo
- Michael "Mike" Taylor, Jr. (pangunahing tauhan) - anak nina Dolores at Michael Taylor, Sr.; kasama si Magdalena sa bahay bagamat wala silang relason; kaibigan nina Desto, Ali, Steve, Igna, William, Jun, at Jeffrey
- Dolores - ina ni Mike; nahulog ang loob kay Michael Taylor, Sr. kaya nabunga si Mike
- Michael Taylor, Sr. - ama ni Mike; nangakong babalik sa Pilipinas para pakasalan si Dolores, ngunit di ginawa
- Magdalena "Magda" - kaibigan ni Dolores; kasama ni Mike sa tinutulugang bahay dahil sa usisa ng ina nito; nagkaron ng relasyon kay Sam na isang kano, ngunit iniwan siya nito dahil sa akalang may namagitan sa kanila ni Mike; mahulog ang loob kay Steve; kaibigan ni Desto
- Steve Taylor - inibig ni Magda; napatay ni Mike
- Modesto "Desto" - may asawa; tatay ni Jun; kaibigan nina Mike, Ali, Magda, William, Igna, at Jeffrey; kaaway ni Johnson na isang kano; inaaway ni Richard
- Jun- anak ni Desto na napunta sa base liban sa kagustuhan ng ama.
- William Smith- mabuting asawa ni Irene; mabuting atay ni Willy; amerikanong tapat at mabait; kaibigan nina Mike at Desto
- Irene- asawa ni William na hindi nabigo sa paghihintay dito
- Alipio "Ali" - kapatid ni Alicia; baklang tiyuhin ni Jeffrey; amo ni Igna; kaibigan ni Mike at Desto; nahulog ang loob kay Richard
- Ignacio "Igna" - katulong ni Ali; tagabantay ni Jeffrey; kakuntsaba ni Richard
- Jeffrey - anak ni Alicia na purong Pilipino gunit lumaki sa Amerika; pamangkin ni Ali; binabantayan ni Igna
- Richard Halloway- gumago kay Ali; kinuntsaba ni Igna
ang Gapo ay tungkol sa hirap na nararamdaman ng isang half-Filipino half-American na gaya ni Mike. naiintindihan ko siya. sa tingin ko'y litong-lito siya sa mga pangyayari sahil ang anyo niya'y kano samantalang ang puso niya nama'y pinoy. mahirap nga naman ang kalagayang ganyan lalo na kung sarili mo pang kalahi ang magtatakwil sayo dahil sa naiiba mong kulay. sa halip ng mga ito'y hanga rin naman ako kay Mike dahil napanindigan niya ng pagiging pinoy at hanggang sa huli'y naipagtanggol niya ng kahit papano ang nalalabing dangal ng mga Pilipinong nagsusund-sunuran lamang sa mga amerikanong walang ginawa kundi manigaw at mag-utos.
liban dito, tinuligsa rin ng aklat ang colonial mentality ng mga pinoy. maliwanag na isinasaad sa nobela na inaapi tayo ng mga amerikano kagaya narin ng pag-aapi nila sa kapwa nilang amerikanong kulay itim nga lang. ipinakikita lang sa nobela na masyadong mababaw ang pagtingin satin ng mga kano n adi nila magawang pahalagahan ang karapatan ng mga tao sa bansa. binubulag at pinaniniwala umano tayo ng mga ito na sila ang dahilan kung bakit umaangat ang Pilipinas na kung tutuusin ay kabaliktaran namang talaga.
simulat sapol, ipinakilala ako sa kasinungalingang maganda mag-abroad dahil maganda ang buhay doon at madaling umasenso. pinalaki akong may pagnanais na makuha ng mga gamit na iporte dahil ito raw umano'y "high quality." tinuruan ako na ang mga amerikano'y mababait na tao at nandito lang para tumulong. ako naman pala'y mali. nang dahil sa nobela'y namulat ang aking mga mata sa kamaliang ginagawa nitong mga dayuhan at ng katangahang ginagawa ng kalahi.
di ko lang mintindihan ay kung bakit ayaw na ayaw ni Mike sa kulay nya na iyon naman ang uso ngayon sa mga pilipno. kung ako man ang tatanungin, hindi ko maiwasang mainggit kay Mike sa kulay nitong hilaw. ako ba nama'y nakararanas din ng diskriminasyon sa kulay kong mas kayumaggi sa kayumanggi ng mga kaklase ko. sa kalooblooban ko, hinasa akong umayaw sa "maiitim" dahil umano'y hindi magaganda ang maiitim. inaamin ko makasalanan nga ako. nagpapasalamat naman ako na ma'y natitira papalang puting Pilipino na kagaya ni Mike na maipagtatangol ang bayan niya kahit na amerikano ang anyo nito. sana naga'y isang araw ay mamulat rin ako sa katotohanang ang kulay ay di pinagbabasihan ng kagandahan.
masayang basa ang Gapo ni Bautista. Napansin kong kahit na babae siya, iba ang labas ng tono niya mula sa simula hanggang sa wakas ng nobela. hindi ko miwasang maalala ang uri ng pasulat ni Bob Ong na gaya rin kay Bautista, ay tungkol sa pagka-alipin nating mga Pilipino. msasabing maaaring si Bautista nga ang pinagkunan ng inspirasyion ni Ong sapagkat hindi malayo ang istilo ng mga ito sa bawat isa.
basahin mo nalang at malilinawan ka ng bonggang-bongga... ;)
***
____________________
| i-email ang iba pang mga katanungan at suhestiyon sa: |
| monmae.p@gmail.com |
____________________
| monmae.p@gmail.com |
____________________
thanks sa pagsusuri mo sa Gapo..
ReplyDeletemas naintindihan ko pa lalo ung nobela..
ipagpatuloy mo lang po ang pag post..
very informative..^^,
:bd
ReplyDeleteSalamat, nakatulog ang blog na to sa kin :)
ReplyDeleteAnu po yung paksa ng nobelang ito?
ReplyDeleteThanks.. :)
i like your story about gapo
ReplyDeletei like your story about gapo
ReplyDeleteThank you
ReplyDeleteThankyou for this
ReplyDeleteTite
ReplyDeleteburat
DeleteThanks
ReplyDeleteyoutube - YouTube | VEGAS - VEGAS - VEGAS - VEGAS - VEGAS
ReplyDeleteyoutube.informer.com - YouTube · youtube to mp3 player VEGAS - VEGAS. YouTube · VEGAS. youtube.informer.com · YouTube · VEGAS. youtube.informer.com · YouTube · VEGAS. youtube.informer.com